Ang PCB ng mobile cellphone ay madaming maliliit na parte o electronic components. Sa pag aaral ng pag aayos ng mobile cellphone,importante na pag aralan at intindihin kung paano makilala itong mga maliliit na parte or electronic components at pag aralan ang kanilang mga tungkulin. Pagkakakilanlan ng mga maliliit na parte sa PCB ng mobile phone ay madali lamang kung alam mo na at naiintindihan ang ilang pangunahing panuntunan. Importante din na maintindihan ang kailangan na gawin kung alin man sa mga maliliit na bahaging ito ay may sira.
Karamihan sa mga electronic components na ito ay SMD(Surface Mount Devices).Wala silang ibang hahantungan kagaya ng thru-hole electric components.
✍ .Small Parts / Electronic Components of a Mobile Phone: Identification, Faults and Function:
Boost Coil
Ang laki nito ay medyo malaki sa coil. Ito ay matatagpuan na itim ang kulay at parang malaking button. Ang tungkulin nito ay para palakasin ang daloy ng kuryente.Pag ang coil na ito ay na damage or nasira, kailangan agad na palitan.
Coil
Ito ay matatagpuan sa kahit saang bahagi ng mobile cellphone. Madaming hugis at laki. Ang Coils ay merong dalawang kulay: (i) Black and white; at (ii) Blue and white. Mayroon itong binding ng copper coil sa loob. Sinasala nito at pinapababa ang kuryente at boltahe (Current and Voltage).
✍ .Capacitor
2 Types of Capacitor are found in mobile cellphone:
1. Non-Electrolytic Capacitor: Ito ay matatagpuan sa kahit saang bahagi ng mobile cellphone. Ang kataasan nito maliit ng kaunti kaysa chip resistance. Ito ay maaaring gray, yellow o brown ang kulay. Wala itong Positive (+) o Negative (-) side. Sinasala nito ang DC current.
2. Electrolytic Capacitor: Ito ay matatagpuan sa kahit saang bahagi ng mobile cellphone. Ang kalakihan nito ay mas malaki sa non-electrolytic capacitor. Meron itong dalawa(2) kulay - (i) orange na merong brown strip: at (ii) black na merong white strip. Ang gilid ng strip ay Positive (+) at ang kabilang gilid ay Negative (-). Sinasala at iniimbak ang kuryente.
✍ .Network Capacitor: Ito ay matatagpuan sa kahit saang bahagi ng mobile cellphone. Gawa ito mula sa 2 o maraming Non-Electrolytic Capacitors.
✍ . Coupler
Ang electronic component na ito ay matatagpuan sa Network Section ng mobile phone. Ito ay alinman sa Black o White na kulay bat mayroong 6 pins na nakabaluktot sa loob.
Tungkulin/Function:Sinasala nito ang istasyon o Network.
Faults:Kung ang coupler ay may sira, mawawalan ng network/signal ang mobile phone.
✍ .Diode
there are 4 Types of Diode are found in mobile cellphone:
1: Rectifier Diode: Ito ay itim/black ang kulay at sinasalin ang AC Current sa Dc Currennt. Pumapasa ito ng current sa isang direksyon. Hindi ito pumapasa ng current sa salungat na direksyon.
2. LED: Ang ibig sabihin ng LED ay Light Emitting Diode. Ito ay makikita na White o Light Yellow ang kulay at nagbibigay ng liwanag.
3. Zener Diode: Ito ay makikita sa Charging Section. Sinasala nito at pinapaliit ang Current at pinapasa sa unahan. Ito ay kumikilos bilang voltage regulator. Zener Diode ay inaayos ang kapasidad ng boltahe ng kuryente katulad ng 4V, 6V, 8V etc.
4. Photo Diode: Ito ay gamit para sa Infrared. Hinuhuli nito ang Infrared Rays.
✍ .Regulator
Ang electronic component na ito ay makikita sa kahit saang bahagi ng mobile phone. Ang kulay nito ay Black at mayroong 5 o 6 legs. Ito ay nagpi-filter ng current at nag re-regulate ng voltage.
✍. Resistance or Resistors
Mayroong dalawang klase ng Resistors sa PCB ng mobile phone.
Chip Resistance: Ito ay makikita kahit saang bahagi ng mobile phone.Black ang kulay nito. Sa ibang sets makikita din ito na nasa Blue at Green ang kulay. Ito ang pinakamaliit na electronic components sa PCB ng mobile phone. Pinapababa nito ang current at pinapasa pasulong.
Network Resistance: Ito ay makikita sa kahit saang bahagi ng mobile phone.Gawa ito mula sa 2 o maraming Chip Resistance.
✍. Transistor
Ang Electriv component na ito ay makikita kahit saang bahagi ng mobile phone. Ang Transistor ay Black ang kulay at mayroongg 3 legs. Ang gawain nito ay ang switching.
0 comments